WALANG PAGSIDLAN ang halo-halong emosyong nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Kung panaginip lang ito, sana ay hindi na ako magising. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at muli siyang tinitigan sa kanyang mga mata. Sinalubong din naman niyang muli ang aking mga mata kasabay nang muling pagsilay ng matamis niyang ngiti sa mga labi. "I-Ikaw ba talaga 'yan?" Sinilip ko ang magkabila niyang tainga para siguruhing wala itong mga butas para sa hikaw, pero wala naman. Nilingon ko rin ang kinaroroonan nila Twinnie at Dame Lei na magkatabi sa dining table. Lumapad ang pagkakangiti ng kambal niya habang nakatitig sa amin. Natanaw ko rin ang kumikinang nitong hikaw sa tainga. "I-Ikaw nga." Muli akong bumaling kay Dauvit. Tumulong muli ang mga luha ko sa pisngi. Hinagkan ko siyang muli sa