KINABUKASAN ay tumawag si Ruth, ang yaya ni Daryus at sinabing hindi pa daw siya makakauwi. May importante daw siyang pinuntahan pero hindi naman niya sinabi kung saan at kung may problema. Baka sakaling makatulong ako. "Naku, mukhang nagtanan na ang Ruth na 'yan. Palaging may kabidyukol sa selpon na bumbay. Kilig na kilig pa ang talandi. Nagpapakita pa ng s**o," turan naman ng kapitbahay naming matanda, na nasa sitenta na ang edad—si aling Yolanda. Nag-iipon-ipon na naman sila dito sa labas ng bahay nila. Magkakadikit lang naman kasi ang mga apartment namin. Lumabas ako at kinatok ang pinto ng apartment ni Ruth kanina, pero walang sumasagot sa loob. Siya lamang din kasing mag-isa ang nakatira diyan. Kung minsan ay naririyan ang mga kapatid niya at magulang mula sa probinsya. At alam ko