HINDI NAMAN na niya siguro ako matatandaan pa, 'di ba? Anim na taon na ang nakalilipas buhat nang mangyari ang gabing 'yon. At isang beses lang 'yon—sa mismong gabi ng kasal ni Walter, na lalaking una kong minahal, ngunit kailanman ay hindi ako nagustuhan. Napakalinaw pa rin sa isipan ko ang buong pangyayari. Dumalo kami noon ni Val sa kasal ni Walter at Blossom. Ang totoo ay si Val lang naman ang inimbitahan ni Blossom dahil silang dalawa ang naging magkaibigan noon. Pero ako? Puro pagmamaldita lang ang ginawa ko noon kay Blossom. Una ay kay Eunah, na unang naging girlfriend ni Walter. Ang buong akala ko noong bigla na lamang nawala si Eunah ay pagkakataon ko na kay Walter. Ang buong akala ko ay magiging akin na siya, na mapapansin na rin niya ako sa wakas. Ngunit bigla na lamang dum