MATAPOS ang pananghalian ay nakatulog si Dauvit sa kama. Nagligpit naman muna ako dito sa silid niya. Inayos ko ang kinalalagyan ng mga gamot niya. Lumabas na rin muna ako ng silid niya at nagtungo sa room ko. Nagsuot ako ng underwear. "Twinnie—" "Ay, malandi!" napasigaw naman ako sa gulat nang bigla na lamang pumasok sa pinto si Twinnie nang wala man lang katok-katok! Natawa naman siya habang nakatitig sa akin. "Hindi ba uso dito ang kumatok ng pinto?" kunwa'y inis kong tanong sa kanya. "Sorry naman. Hindi ka rin naman nagkandado—wow!" bulalas niya habang nakatingin sa suot ko. "Parang pamilyar sa akin 'yang t-shirt na 'yan, ah." "Marites ka." “You’re the same way, though. Parehas lang tayo—that’s why we’re Twinnie. Kay Dauvit 'yan, no?" Tinitigan niya ako nang may pang-uusig.