"ANO NAMANG masusuot ko dito, eh ang lalaki nito?" Isa-isa kong pinagmasdan ang mga damit niyang naririto sa closet. Oo, mataba ako noong bata pa ako, pero sexy na ako ngayon, no. Balingkinitan na ang katawan ko. Talagang iniwan ko na ang old self ko noon, na weak, iyakin, tahimik, duwag, mataba—at kung ano-ano pang negative things sa akin. Kasi kapag hindi ko ginawa ang lahat ng 'yan, patuloy akong aapihin ng mga mapanghusgang tao. Hayst, paano naman kapag nakita ako ng family niya na suot ko ang mga damit niya? Ano na lang ang sasabihin nila sa akin? Siguradong magtataka sila. Oo, gustong-gusto ko 'to pero... "Ayst, bahala na nga. Sasabihin ko na lang na siya ang may gusto nito." Isang simpleng t-shirt na color gray ang napili ko. Kaagad kong hinubad ang lahat ng saplot ko sa katawan