HINDI ko mapigilang mapatitig sa mga labi niya habang sinusubuan ko siya ng pagkain. Pilit kong nilalabanan ang panginginig ng aking mga kamay, at kanina ko pa rin sinasaway ang puso ko dahil sa napakalakas ng t***k nito. Kailangan kong ayusin ang trabaho ko. Hindi niya dapat maramdaman kung gaano kalakas ang epekto niya sa akin ngayon, dahil napakalapit ko na sa kanya. Pagkakataon ko na ito at hindi ko na pwedeng sayangin pa. Wala na akong pakialam kahit 0 percent niya akong mapapansin. "Does Nona have a lot of wounds on her body?" Napahinto naman akong muli sa tanong niya. Siya na naman? "Did you see her face? Nasugatan ba siya?" Huminga akong muli ng malalim. Hindi ba niya kayang kalimutan muna kahit sandali ang babaeng 'yon? "Mga maliliit na cuts lang po ang nakuha niya, hindi