"OKAY ka lang?" Napalingon ako kay Twinnie dahil sa tanong niya. Naririto na kami ngayon sa labas ng hospital, at katatapos lang ng shift ko. Ten past ten na ng gabi, at pauwi na rin ako. Kaagad ko siyang nginitian. "Oo naman. Bakit naman hindi?" "Huwag mo na lang seryosohin 'yong sinabi ni Dauvit kanina—" "Seryoso siya do'n, Twinnie. Ganun siya ka-baliw sa babaeng 'yon. Bulag na nga, mas lalo pa siyang nagpapakabulag sa babaeng 'yon. Bulag na, bobo pa." Bigla siyang natawa. "Puro bulag, ha." "Totoo naman, eh." Napailing na lamang ako at napahinga ng malalim. "Ikaw din naman, ah." "Ano'ng ako?" may pagtataka kong tanong. "Ikaw nga itong mulat na mulat pero nagpapakabobo din sa kanya." "Aray, ha." Kaagad ko siyang sinamaan ng tingin. "Pasalamat ka, buntis ka. Jojombagin talaga kit