AT DAHIL wasak ang kama ngayon ni Dame Lei, dito kami natulog sa kwarto ko--no, siya pala ang tulog na tulog na ngayon at humihilik pa sa tabi ko. Magkaharapan kaming dalawa at parehong magkayakap sa isa't isa. Nakatanday din ang isa niyang hita sa mga hita ko. Ayaw niya pang pumayag kanina na hindi ko rin siya yayakapin. Nakakain naman kami mula sa dinalang pagkain ni Ate Rinalyn kanina. At bago umalis kanina si Ate Nalyn ay nakatanggap pa ako sa kanya ng mapanuksong mga tingin at ngiti. Alam ko namang pinipigilan niya lang ang sarili niyang magsalita dahil naririto si Dame Lei. Pero kung kaming dalawa lang, siguradong titili siya ng bongga. Hayst. Hindi ko alam kung ano itong mga nararamdaman ko ngayon. Naghalo-halo na sila dibdib ko. Napatitig akong muli sa maamo at napakagwapong mu