Lani NAPANGITI na lamang ako habang pinagmamasdan ang mga picture ni Dauvit kasama ang buong pamilya niya sa loob ng silid niya sa hospital. Bagaman may benda ang mga mata niya at ilang parte ng katawan niya, kahit papaano ay nakangiti siya sa iba niyang mga picture. Hindi nga lang katulad ng dati na matatamis, pero alam kong balang-araw, babalik din ang mga ngiti niyang 'yan. Marami din silang handa at may picture pa silang magkatabi ni Dame Lei habang hawak nila ang isang malaking round cake, at sabay nilang hinipan ang candle nito. Happy birthday na lang, Mahal. Nagkasya na lang ako sa mga ipinadalang picture niyo sa akin ni Twinnie. Alas singko pa nga ng hapon niya ito ni-send sa messenger ko, may tawag din siya pero hindi ko nasagot dahil kagigising ko lang. Alas siete na ngayo