"MASARAP po ba, Sir?" tanong ko sa kanya matapos ko siyang subuan ng kapirasong cake. Hindi siya sumagot pero patuloy lamang sa pagnguya. Sumubo din ako ng akin gamit din ang kutsara niya. So, para na rin kaming nag-kiss! Iiiihhh!! "Alam kong hindi ka mahilig sa chocolate, kaya itong mocha flavor ang binili ko," ani ko sa kanya. "So, you know everything about me?" Napahinto naman ako sa tanong niya. "Aah, h-hindi ako stalker, Sir, ha—" "You are," kaagad naman niyang sagot na muli kong ikinahinto. "Magkalapit lang tayo ng—" "I don't need your explanation. You'll lie again." "Ayts... Oo na." Napasimangot na lang ako. "Why are you doing this?" "Sinabi ko na, 'di ba? Gusto mo talaga ng paulit-ulit?" Hindi siya sumagot. "Pero tulad din nang sinabi ko, hindi ko ipipilit—" "Be my per