MAINIT akong tinanggap ng buong pamilya sa kanilang napakalaking tahanan. Iniikot muna ako ni Ma'am Liezel sa buong mansion kahit ilang beses na rin naman akong nakarating dito noong bata pa lang ako. Pero noon ay mahiyain pa ako at palagi lamang nakasiksik kay Dad. Hindi talaga ako nakikipaglaro sa mga anak nila, lalo na't ang pinakamalapit na kaibigan noon ng kambal ay si Nona. Wala pa ring ipinagbago ang tahanan nilang ito, at na-miss ko rin ito. Matapos naming malibot ang lahat ay dinala na rin ako ni Ma'am Liezel sa magiging silid ko, sa second floor. "Dito na lang din kita ilalagay sa dating silid ni Ces. Ngayon kasi ay magkasama na sila sa room ni Dame Lei. Ito rin ang pinakamalapit sa room ng kambal." Binuksan ni Ma'am Liezel ang pinto ng silid at pumasok kami sa loob. Mala