HINDI KO alam kung paano tutugon sa mga halik niya dahil ito pa lamang ang kauna-unahang beses kong mahalikan ng isang lalaki. Napakalambot ng mga labi niya, napakatamis at may kakaibang init, na nagsisimulang kumalat sa buo kong katawan. Hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ng puso ko ngayon. Bigla naman siyang huminto sa paghalik na siyang ipinagtaka ko. "Why aren't you kissing me back? Don't tell me this is your first time being kissed?" tanong niya. May pagtataka sa tinig niya. "T-Tama ka. M-Mamamatay na lang akong virgin kung hindi ikaw ang gagawa sa akin nito." Bigla namang gumuhit ang mapang-asar na ngiti sa mga labi niya. Hawak pa rin niya ang magkabila kong pisngi. Ngunit bigla na lamang dumulas ang isa patungo sa batok ko, at doon niya ako hinawakan ng mahigpit. Ang is