"WAIT, kumain ka na ba?" Humimas naman siya sa kanyang tiyan. "Not yet." "Eh, bakit hindi pa? Hindi mo ba nagustuhan 'yong ulam sa baba?" "Hindi pa ako bumababa." "Ganun ba?" Kaagad akong nagtungo sa bintana at sumilip sa labas. "Pwede nang bumaba si Kuya Dame Lei, Ate. Tanghali pa 'yon babalik si Lola," turan naman ni Joy. "Magbibihis lang ako!" Lumabas na rin siya ng silid ko. Humarap akong muli kay Dame Lei. "Oo nga. Kapag napaupo na siya sa mahjong-an, uuwi na lang 'yon kapag kakain... Nalaman mo tuloy na may Lola kaming magsusugal at matigas ang ulo." Ngumiti naman siyang muli. "Okay lang 'yan. Pastime na lang siguro ng Lola niyo 'yan." "Oo nga, kaso nang-uubos ng pera." "Does she ask you for money?" "Hindi naman. Pera niya lang lahat 'yang nilulustay niya. Isa 'yan sa mga