"ANG LOLA niyo ay nakaranas ng tinatawag na congestive heart failure o CHF, a severe condition where the heart can no longer pump blood effectively enough to meet the body’s needs... Dahil dito, ang likido ay naiipon sa mga baga at iba pang bahagi ng katawan, na siyang dahilan kung bakit siya nawalan ng malay kanina," paliwanag ng Doctor na sumuri kay Lola. "Isa rin sa mga posibleng dahilan kung bakit lumala ang kalagayan niya ay ang coronary artery disease o baradong mga ugat sa puso. Posible ring may iba pang komplikasyon tulad ng hindi maayos na t***k ng puso o arrhythmia... Sa ngayon, kailangang masubaybayan siya nang maigi, kaya ini-admit namin siya dito upang patuloy na mabantayan at maisagawa ang kinakailangang mga pagsusuri." Tumango-tango ako sa sinabi ng Doctor, pero 'yong mga l