HINDI ko maipaliwanag ang saya ko ngayong nayakap ko na ang aking ama, pagkatapos ng 15 years. Inabot ng 15 years ang pagtitiis ko sa kanya, at ngayon ko lang na-realize kung gaano na ako nangungulila sa kanya bilang ama ko. "I’m so sorry, Dad... I failed you, and I regret all the mistakes I’ve made. I never fully understood how much you’ve done for me; now I see it clearly. Please forgive me for being ungrateful... I love you more than words can express, and I miss you daily. You’ll always be the best father to me." Pumihit siya paharap sa akin hanggang sa bumalot na rin sa akin ng mahigpit ang mga braso niya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko at mahinang pagsinghot niya. Tumingala ako sa kanya at doon ko nakitang lumuluha na rin siya, kaya mas lalo pang nalusaw ang puso ko.