MILLIE Habang nakatitig ako sa mukha ni Edson, pakiramdam ko ay ibang tao na siya. Parang hindi ko na siya kilala. Hindi na siya ang lalaking nagustuhan ko. Hindi na siya ang lalaking minahal ko. Hindi na siya ang lalaking nangako sa akin ng panghabambuhay na pagsasama. "You know what, Ed? Let me tell you something," I said coldly. "Shuta ka," mariin at puno ng galit na sambit ko sa kanya. Halatang nagulat siya. Alam niya na cursing expression ko ang shuta. At alam niya na minumura ko na siya. Ngayon ko lang naman siya minura nang harapan at verbal. Sa buong durasyon ng pagsasama namin, never ko siyang minumura. Minamahal ko pa nga siya. Shuta! Ang cringy ng banat. Grrr! "Sinasabi mong hindi ako committed sa relasyon natin? Pitong taon, Edson. Pitong taon kong ibinuhos ang ora