MILLIE Ipokrita ako kung itatanggi ko na ayaw kong makausap si Edson. Tanga naman kung papayag ako sa gusto niyang pakikipag-usap. Kahit na nagagalit ako... Kahit na nasasaktan ako... Kahit na gusto ko siyang sumbatan... Pinaunlakan ko pa rin ang gusto niya - mag-uusap kami. Mas pinili ko pa rin ang maging tanga. Wala, eh. Pagdating sa kanya, nagiging marupok ako. Naglalaho ang logical na pag-iisip kaya mahina. Kung nandito lang si Jean, malamang ay kinutusan na ako no'n at sinabihan ng tumataginting na tanga. Maaga pa naman. May isang oras pa bago ang usapan namin ni Frylle. Tutal, usap lang naman at hindi kuwentuhan ang hinihingi ng ex ko. Hindi naman siguro kami aabutin ni Edson ng isang oras, 'di ba? Napagkasunduan naming mag-usap sa pinakamalapit na coffee shop ng cond