MILLIE Halos mapunit na ang mga labi ko sa lapad ng ngiti ko habang tinitingnan ang stolen shots ko kay Frylle kahapon. Pasimple at lihim ko siyang kinuhanan habang nakikipaglaro siya sa mga bata na nasa orphanage. Matiyaga niya ring tinuruan ang mga ito kung paano maglaro ng scrabble. The kids liked him. A lot. Sinong mag-aakala na ang lalaking katulad niya na tahimik lang ay kagigiliwan ng mga bata? Na magiging close din siya sa mga ito? Ang paborito kong stolen shot niya ay nang mag-fairytale reading siya sa mga ito. He was smiling, looking so approachable on the whole duration of his book reading. Ang daming tanong ng mga bata, pero matiyaga niyang sinasagot ang mga ito sa paraang maiintindihan ng mga murang isipan nila. My camera captured his small, but gorgeous smile. Parang g