MILLIE Hindi ko napigilang mapangiti nang matanaw na ang St. Therese Orphanage, ang bahay-ampunan na una kong kinagisnan at naging tahanan. Ilang sandali pa, huminto na ang sasakyan ni Frylle at sabay kaming bumaba. Iginala ko ang tingin sa paligid. Walang ipinagbago. Kung ano ang kinamulatan ko sa lugar, gano'n pa rin hanggang ngayon. Matagal na rin nang huli akong pumunta at dumalaw rito. Ang huling punta ko pa ay noong maka-graduate ng college. Ibinahagi ko ang saya at tagumpay sa mga madreng kumupkop at nag-aruga sa akin. Sila ang una kong pamilya bago ako ampunin at magkaroon ng bagong pamilya. Nilingon ko si Frylle. After he agreed to come with me, he didn't say a single word. Mula sa mahigit isang oras na biyahe hanggang sa makarating kami dito sa orphanage, tahimik lang siya