MILLIE "You're smiling," narinig kong puna sa akin ni Mara. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya, mataman siyang nakatitig sa akin habang may nakakalokong ngiti sa mga labi. Bahagya akong umirap sa kanya at nangingiting ibinalik ang tingin sa ginagawa. "Masama ba?" "Wala akong sinabi. Actually, it's nice to finally see you smiling again." Right. Since the day I got jilted on my wedding day and got back to work, I rarely smiled. Mas madalas pa nga akong magalit at mag-init ang ulo no'n. But now, it was easy for me to smile again. And I wasn't even aware doing it. Busy ako sa pag-i-sketch ng bagong design at hindi ko alam na nakangiti na pala ako. Hindi ko kasi maalis sa isip ko ang naging conversation namin ni Tita Alice kahapon. At pakiramdam ko ay mas nakilala ko pa si Frylle