MILLIE "I want him." Doon na tuluyang nagpanting ang tainga ko. Ramdam ko ang pag-akyat ng init ng ulo ko at pagkulo ng dugo ko sa huling tatlong salitang binitiwan ni Charrie. How. Dare. She! Shuta siya. Ano bang tingin niya kay Frylle? Isang bagay na anumang oras ay puwede niyang hiramin o hingiin sa akin? At ang kapal naman ng mukha niya para hilingin sa akin ang bagay na iyon! And what made her think that I would easily give her Frylle Austine Cordona? Nasa kanya na nga si Edson, pati ba naman si Frylle ay gusto niyang kunin at agawin sa akin? And she was asking for my friend? A friend?! Shutangina! Eh, kung sabihin ko kaya sa kanyang hindi lang basta kaibigan si Frylle? Na asawa ko lang naman ang hinihingi niya sa akin? Take fvcking note. Asawa. Ko. Hindi pa ba siya konte