MILLIE Halos hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Kahit sino ang makakakita sa akin ngayon, siguradong malalaman agad nila na galing ako sa pag-iyak dahil sa pamumula at pamumugto ng mga mata ko. Paanong hindi? Paulit-ulit na nag-e-echo sa pandinig ko ang mga salitang binitiwan ni Papa Maximo. Idagdag pa na halos hindi rin maalis sa isip ko kung gaano kalamig at katalim ng mga mata niyang diretsong nakatingin sa akin. Matinding galit ang mababakas sa mga iyon. At hindi naman ako tanga para hindi malaman na direkta iyon sa akin. "...Stay out of our lives. And leave... for good." "Pinuputol ko na ang ano mang koneksyon mo sa pamilya ko..." "...You are no longer an Altamerano." Shuta! Daig ko pa ang nakatanggap ng kaliwa't kanang sampal dahil sa mga salitang iyon - no. Mas masakit p