MILLIE "Li, this is Mrs. Leslie Arcania. She's here to talk to you." Napakurap na lang ako nang marinig ang boses na iyon ni Frylle. I didn't know how long I was staring at the middle-aged woman's eyes. Basta namalayan ko na lang na nasa harap ko na ito at kaunti na lang ang distansiya sa kinatatayuan namin ni Frylle. And looking at the woman's face this close, I could clearly see the pain, sadness and longing in her eyes. At iyon ang hindi ko maintindihan. Bakit ganyan na lang siya makatitig sa akin? And the way she looks at me, as if she wanted to say something - no. I guess she wanted to say a lot. Iyon ang nababakas ko sa mga mata nitong nangungusap habang diretso itong nakatingin sa akin. Naguguluhan man, ngumiti pa rin ako at inilahad ang kanang kamay sa babae. "Hi! I'm Millie