MILLIE Sinusundan ko ng tingin ang bawat lakad at rampa ni Frylle. The way he projects, poses and walks on the runway, he looks like a real and professional male model. Hindi mo aakalain na isa siyang CEO. Kung hindi ko pa narinig ang pagtawag sa akin ni Jean, hindi ko pa aalisin ang tingin kay Frylle. Tapos na palang irampa ng mga modelo ang mga creation ko. It's time for me to stand up on the stage and give details about my designs. Tumayo na ako at pasimpleng inginuso pa ni Jean sa akin na tumabi ako kay Frylle. Tahimik na lang akong sumunod at tumabi sa kinatatayuan ng lalaki. I was nervous as hell while talking in front of many people. This is not the first time I do it, but I still feel nervous. Until I felt a warm hand, gently rubbing my back. Halos mapakislot pa ako dahil sa k