Marco POV. Tatlong araw na hindi ako umalis sa tabi ni Margareth. Tiwala ako na magigising siya kaya hangga't maaari ay ayaw ko na umalis sa tabi n'ya. Lumilipas kasi ang araw pero wala pa ring pagbabago sa kondisyon n'ya. Heto ako ngayon hawak ng mahigpit ang kamay niya habang panay ang marahang paghaplos sa buhok at mukha nito. Hindi ako nawawalan ng pag-asa lalo na nakikita ko ang magandang mukha n'ya na tila mahimbing na natutulog lamang. Isang tikhim ang nagpalingon sa akin at nakita ko si Conor na kasama ang taong hinihintay ko, ang pack doctor sa pack land kasama ang isa pa sa magaling na doctor sa pack hospital. Pinagtatalunan pa namin ni Conor ang tungkol dito dahil hanggang maari ay ayaw niyang mag-papasok dito maliban sa doctor na tumingin sa luna ko at kapatid nitong si M