Marco POV "Gaano na ako katagal dito Sir?" tanong ni Margareth na akmang babangon pero pinigilan ko ito. Alam ko na hindi pa kaya ng katawan n'ya lalo na at buntis s'ya kaya kung kinakailangan na gamitin ko ang matalas na paningin ay gagawin ko. Maging si Kennedy ay threaten na at gusto ng mag-take control pero hindi ko pinayagan kaya ngayon halos marindi ako na panay ang sabi na 'wag kaming aalis sa tabi ng luna namin. "Almost three weeks, mabuti at ligtas ka na. Welcome back hija," sabi ni Conor na nakita ko ang hindi maitago ang emosyon sa mukha. "After this hindi ko na hahayaan na mapahamak ka. Ito na ang last assignment at mission mo at maaaring huling tapak mo dito sa agency. Magbagong buhay ka, kayo ng kapatid mo. Kung kinakailangan na lumabas kayo ng bansa gawin n'yo para sa ka