Margareth POV. Dumating ang oras na kinakailangan ko ng lumabas. Tinanggal ko ang face mask at sunglasses na suot ko habang nakatayo ng taas noo sa witness stand. Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga ng apat na general at halos magkasabay na napalunok ng titigan ko ng matalim ang bawat isa. Bakas sa mga mukha ng mga ito ang kaba at takot lalo na ng titigan ko ang mga ito habang naka-ngisi. "Tama, kabahan kayo dahil ako ang virus na kikitil sa kaligayahan ninyo," mga salitang tumatakbo sa isip ko habang naka-ngisi nakatingin sa mga ito. Natahimik ang lahat ng tawagin ako at panumpain sa ibabaw ng bible na hawak ng isang court staff kung saan nakapatong ang kanang palad ko. "Sumusumpa ka ba na magsasabi ng totoo at pawang katotohanan lamang?" tanong ng judge na nasa harap ko. "Ye