Margareth POV "Hey, let's rest maaga ka pa bukas it's almost one o'clock," paalala sa akin ni Marco ilang saglit matapos naming napag-usapan ang tungkol sa mga anak. Yumakap ako sa leeg nito at ginawaran ito ng isang malalim na halik sa labi. "Thank you Marco, thank you for the surprise and the arrangement. Thank you for everything," madamdamin na sabi ko habang yakap ko ito. Hinaplos nito ang likod ko saka ako hinalikan sa ulo. "Wala akong hindi kayang gawin para sa'yo my Luna." Napapikit ako at nilasap ang oras na kasama ko ito. Hindi ko alam pero may kaba na unti-unting nabubuhay sa dibdib ko. Bigla rin sumagi sa isip ko ang sinabi ni Marco noong nasa glass house pa kami sa packland na may kaba rin siyang nararamdaman na tila ba nagpapahiwatig ng hindi magandang mangyayar