Margareth POV. Malamig na buhos ng tubig ang gumising sa akin at nagpabalik ng ulirat ko matapos akong mawalan ng malay habang hinahanap ko sa loob ng banyo si General Macario Rosario na alam kong pumasok at hindi na lumabas. Kunot noo at wala sa sariling inaalala ang mga nangyari, para lamang matilihan ng ma-realize ko na nakagapos pala ako sa isang bakal na upuan. Nag-angat ako ng tingin at nakasalubong ang mga mata namin ng lalaking may hawak pa ng timba ng tubig. "Mabuti naman at gising ka na. Masyado mo akong pinahirapan at tulog mantika ka pa pala," nakangisi na sabi nito. "Tawagin n'yo si Senior. Sabihin n'yo gising na ang laruan n'ya," sabi pa nito na nabasa ko ang nakakaloko na mga ngiti sa labi. Maging sa kislap ng mga mata nito ay nagpapahiwatig ng hindi magandang plano ng