Chapter 44

1222 Words

Marco POV Alas kwarto na ng hapon at ilang oras na ang lumilipas pero ni isa sa agency at pulisya ay walang nakikipag-ugnayan sa akin para sa update ni Margareth. Gumamit na ako ng koneksyon at ilang mga kilalang tao na ang tinawagan ko pero nanatili akong bigo. Kung sana sa pack land nangyari ito mas madali akong makakilos. Limited ang bawat galaw ko lalo na at wala ako sa pack land. Dito, isa akong normal na tao at hindi ko pwedeng ipakita kung ano ako. Pero, kung sa ganitong pagkakataon na buhay na ng luna ko ang nataya ay walang pakundangan na gagamitin ko ito basta nailigtas ko lang si Margareth. Kung wala akong makuha na matinong sagot sa mga pulis at sa agency nito ay ako mismo ang maghahanap ng sagot sa tanong ko. Hindi ko hahayaan na lumipas ang araw na ito na walang ginagawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD