Chapter 32 "Pinagpapawisan ka Gela. Do you want water?" Nag-aalalang tanong ni Buknoy sakanya habang nakaupo sila sa table kung saan sila nakalista. Sino ba namang hindi pagpapawisan at kakabahan. Nang malaman niyang inilagay siya ni Maylene sa mismong table ng pamilya ni Rohan ay labis na ang nerbiyos na naramdaman niya Halos manlaki ang mata niya kanina ng sabihin sakanya ng babaeng taga-ayos ng guest list na doon daw sila sa table number two naka-lista kung saan makakasama niya ang pamilya ng groom! Maldita talaga kung paminsan minsan ang pinsan niyang iyon dahil sinadya yata nitong pagsamahin sila ni Rohan sa iisang lamesa. Hindi niya alam kung paano niya ito pakikiharapan sa muli nilang pagkikita lalo na't mag sasama pa sila sa iisang lamesa! Ngayon palang ay sinisilihan na ang

