Chapter 31 Concealer Iyon ang nagsalba sa matinding eyebags ni Angela sa araw ng kasal ni Maylene at Rowan. Ilang gabi na kasi siyang hindi nakakatulog ng maayos kakaisip sa muling pagkikita nila ng lalakeng pilit niyang binubura sa kanyang puso Hindi niya maintindihan kung bakit nakakaramdam parin siya ng pananabik sa muli nilang pagkikita sakabila ng ginawa nitong pang-iiwan sakanya. Alam niyang galit rin ang pamilya niya kay Rohan dahil sa ginawa nitong pang-iiwan sakanya. Lalo na ang kanyang tatay. Naaawa ito sakanilang dalawa ng kanyang anak dahil lamang daw sa guilt nito ay mas pinili nitong iwanan siya "Tay aalis na ho ako" Paalam niya sa kanyang tatay ng madaanan niya ito sa kusina Kasalukuyan itong nagkakape at nag-aalmusal ng mainit na pandesal. Paborito nitong isawsaw sa

