Chapter 5
"Sige po tay. Magpapadala po agad ako diyan. Ingat po kayo nila buching"
Nakataas ang kilay ni Maylene habang nakatingin ito sakanya. Marahil ay nagtataka ito kung bakit hindi siya malungkot sa araw na iyon.
Marami siyang rason para malungkot sa araw na iyon, Isa na roon ang pangungulit ng kanyang tatay na magpadala agad siya ng pera dahil wala na raw makain ang mga ito, samantalang kakapadala palang niya noong isang linggo ng dalawang libo.
"Sige po bye po tay" Magalang na paalam niya sa kanyang tatay bago niya binaba ang telepono ng bakeshop. Alam kasi ng tatay niya ang numero ng telephone ng bakeshop na pinagtatrabahuhan niya
"Aba himala yata, Maganda ang gising mo ngayon? Hindi ka man lang na-stress sa sugapa na tatay mo?" Nakataas ang kilay ni Maylene habang inuusisa siya nito
Kakaiba kasi ang mood niya sa umagang iyon. Kahit pa wala siyang tulog kagabi dahil sa naganap na halikan sa pagitan nilang dalawa ng kanyang nobyo
Napakasarap palang mahalikan!
Napangiti siya ng isang matamis na ngiti.
"Maganda lang talaga ang gising ko, Nagkaayos na kami ni Rowan kagabi--"
"Ipinagkaloob mo na ang perlas?!" Bulalas nito at napahampas pa ito sa mismong kaha. May customer pa naman itong matandang babae na nagulat rin sa reaksiyon ni Maylene
"Hasusmaryosep! Nakakagulat ka naman ineng!"
Sabay silang napatingin sa matandang babae na namimili ng mga cakes sa mini refrigirator ng bakeshop
"Pasensya na ho." Nakasimangot paring sabi ni Maylene dahil hindi ito masaya sa kanyang ginawa kagabi ay hindi nito maitago ang tunay na nararamdaman
Napapailing tuloy ang customer nila bago ito lumabas ng bakeshop. Imbis na bumili ito ng cake ay nawalan na tuloy ito ng gana.
Hinarap siya ni Maylene.
"Magtapat ka nga sakin, Isinuko mo na ba ang perlas mo?"
Likas na mataray ang pinsan niya at parang ito na rin ang tumatayong nakakatandang kapatid niya mula pa noong bata sila.
Siya kasi ang panganay sa kanilang anim na magkakapatid. Anim silang mga babae at halos lahat ng kapatid niya ang mga musmos pa lamang. Si Ana ay labing walong taon gulang, nagdadalaga na ito. Si Andrea, Althea, Allyssa naman ay halos parepareho ang edad. Magkakaiba ang ina ng mga ito na sabay sabay binuntis ng kanyang tatay. Kaya pareparehong sampung taong gulang ang mga ito. Ang bunsong kapatid naman nila ay si Ally o buching kung tawagin nilang lahat dahil ito ang pinakabibo sa kanilang magkakapatid. Apat na taong gulang palang ito ang ang nanay nito ang bagong asawa ng kanyang ama.
Lahat ng mga kapatid niya ay nasa poder ng kanyang ama. Kaya sinusuportahan niya ang mga ito sa abot ng makakaya niya
"Sumagot ka Angela Rodrigez kung hindi kakalbuhin kita" Pagtataray pa ng pinsan niya
"Huminahon ka muna pinsan. Hindi ko pa isinusuko ang perlas ko" Pagpapakalma niya kay Maylene
Nagtaas baba ang dibdib nito ngunit mukhang galit parin. Hinihingal ito sa galit na nararamdaman nito para sakanya. Mahal na mahal kasi siya ng pinsan niya kaya ayaw nitong mapahamak siya. Wala pa naman itong tiwala sa nobyo niya
"Eh paano kaya nagkaayos kung hindi mo pa sinuko ang perlas mo aber?" Nakataas paring kilay na tanong nito
Huminga muna siya ng malalim bago niya sinimulan ikwento sa kanyang pinsan ang lahat ng nangyari kagabi
"Nagpahalik kana sakaniya?!" Gulat na tanong ni Maylene ng matapos niyang ikwento ang lahat hangang sa huling salitang binitawan ni Rowan pagkatapos siya nitong bigyan ng isang nakakapanghinang halik
Kinikilig parin siyang ngumiti sa kanyang pinsan dahil hindi siya apektado ng pagiging masungit nito. Masyado siyang masaya sa araw na iyon dahil hindi na nakipaghiwalay sakanya ang nobyo niya
"Oo. Naghubad naman ako sa harap niya pero hindi niya ako pinagsamantalahan--Aww"
Hinila ni Maylene ang kanyang buhok ngunit pabiro lamang iyon
"Gaga ka talaga! Bakit mo ginawa iyon? Hindi mo dapat ginawa ang bagay na iyon para lamang hindi ka iwan ng isang lalake! Mag isip ka nga Angela--"
"No choice na kasi ako kagabi eh. Natatakot akong iwan ni Rowan. Mahal ko siya at hindi na ako makakahanap ng katulad niya. Panahon na rin siguro para pagbigyan ko siya kahit halik lang"
Bumuntong hininga ito
"Sabagay matanda kana. Alam mo naman na siguro ang ginagawa mo. Sana handa ka sa mga maaring mangyari sayo ngayong hinayaan mong may mamagitan sainyo." Nakasimangot parin nitong sabi sakanya
"Handa na ako. Mas natatakot akong mawala siya. Atleast hindi ako magsisisi na hindi ko sinubukang ayusin ang relasyon namin"
Bumuntong hininga lamang ito
"Ipagdarasal ko nalang na hindi ka nga magsisisi sa mga desisyon mo"
"Hindi ko pagsisisihan ang isang bagay na nakapagpasaya sakin ng husto. Alam mo bang napakasarap palang mahalikan?"
"Aba malay ko. Wala pa namang nanghahalik sakin eh" Natatawa na nitong sabi sakanya dahil para siyang tanga na kinikilig pa habang ikinukwento kay Maylene ang namagitan sakanila ni Rowan kagabi
"Kapag may first kiss ka na rin Maylene maiintindihan mo ako. Nakakakilig sobra pero parang may tumitibok sa ano ko.."
"Sa ano?" Kunot nuong tanong nito
"Sa ano.." Itinuro niya ang kanyang ibabang bahagi ng katawan gamit ang kanyang nguso
"Ha? Anong sa ano?" Ginaya pa ni Maylene ang pag nguso niya
"Sa ano ko nga.."
"Anak ka ng patis Angela. Sa anong ano ba? Sa nguso mo ba? Tumitibok ba ang nguso?"
Sabay silang natawa ng pinsan niya
"Hindi dun. Ang ibig kong sabihin sa ano ko. Sa perlas ko" Nahihiyang pag-amin niya.
Dahil naramdaman niya kagabi ang kakaibang pagkibot kibot ng kanyang perlas. Ngayon lamang niya iyon naranasan.
"Jusko! Tigilan mo nga ako Angela nadudumihan ang kainosentihan ng isip ko. Well sige magpakasaya ka diyan sa nobyo mo basta huwag lang siya kamo magkakamaling lokohin ka dahil malalagot siya sa akin"
Niyakap nalang niya si Maylene. May dumating ng customer kaya naman natigil na sila sa pag-uusap ng kung ano ano.
Hindi nila namalayan ang oras at mag-aalas dose na pala ng tanghali.
Nagulat pa sila ng may isang matangkad na lalake ang pumasok sa loob ng bakeshop nila. Nakabusiness suit ito. May dala itong isang boquet ng mga bulaklak kaya naman natatabunan ang mukha nito
"Welcome to Xing-Hai bakeshop" Sabay nilang bati sa kanilang customer.
Halos tumalon ang kanyang puso ng ilapag ng lalake sa harap niya ang isang boquet ng sunflower.
It's Rowan! Her boyfriend!
"B-Baby?!" Gulat niyang sambit
Kahit si Maylene ay napatulala sa kagwapuhan ngayon ni Rowan. Mas gumwapo ito dahil sa new hairstyle nito. Nagmukha itong kagalang-galang at matinong tao.
Hindi katulad noong isang araw, Mahaba ang buhok nito at parang rakista kung manamit.
Ngunit ngayon ay nagbago na ang fashion style ng nobyo niya. Aaminin niyang mas nagustuhan niya ngayon ang get-up nito kaysa noon. Mas bagay dito ang maging pormal.
"Hi.." Bati ni Rowan sakanya habang may isang tipid na ngiti sa mga labi nito
"H-Hi.." Nauutal niyang sagot kay Rowan. Ngayon lang siya nautal ng ganito sa isang simple hi ng nobyo niya. Simula yata ng magpagupit ito ng buhok ay napapadalas na nitong mapatalon ang puso niya
"Hi.." Bati naman ni Rowan kay Maylene.
Nagulat silang dalawa dahil kahit kailan ay hindi man lang kinakausap ng nobyo niya ang pinsan niya. Ngunit ngayon ay napaka-friendly ng pagkakabati nito sa pinsan niya
"Ha? H-Hi rin" Sagot ni Maylene sa kanyang tabi. Pareho silang nagtataka sa pagiging friendly ni Rowan kay Maylene
Kung tutuusin ay hindi lamang physical na anyo nito ang nagbago, kundi ang ugali rin nito. Parang hindi na ito ang walang modong nobyo niya.
Datirati kasi ay wala itong kagana ganang kausapin ang kanyang pinsan. Para bang may world war three sa pagitan ni Maylene at ni Rowan noon
Kaya tuloy nagtataka sila sa pinapakitang kakaiba ni Rowan ngayon. Wala na ba itong inis sa pinsan niya?
"Dumaan lang ako para iabot ito sayo." Iniabot ni Rowan sakanya ang bulaklak
Agad naman niyang tinangap iyon ng buong puso
"Salamat" Kinikilig na sambit niya
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na bigyan siya ni Rowan ng bulaklak! He never gave her a flower before. Sa dalawang taong relasyon nila ay ngayon palamang siya nito nabigyang ng bulaklak
Ngayon lang rin ito dumalaw sa bakeshop nila ng ganitong oras. Dahil karaniwan ay busy ito sa paglalaro ng computer games. O madalas ay natutulog ito.
Tama nga sila, Love is sweeter the second time around. Dahil napakasweet nito para bigyan siya ng isang boquet ng bulaklak ngayon araw na iyon
At ang paborito pa talaga niyang bulaklak!
Paano kaya nito nalamang paborito niya ang sunflowers?
"And this is for the two of you." Iniabot naman nito ang dalawang box na hawak hawak pala nito sa isang kamay nito.
Mga Chicken boxes iyon! Naamoy agad nila ang aroma ng manok. Tila kumulo ang kanilang mga tiyan at nakaramdam agad sila ng gutom ni Maylene
"Pati ako?" Hindi makapaniwalang tanong ni Maylene kay Rowan habang tinititigan lang nito ang chicken box na inaabot ni Rowan
"Yeah. Tig isa kayong dalawa. That's your lunch. Anyway i have to go, marami pa akong gagawin. See you later Angela" Tumingin si Rowan sakanya ng sabihin nito ang mga huling salitang binitawan nito bago ito lumabas ng bakeshop. Inilapag nalang nito sa harap nila ang mga chicken boxes.
Pareho silang nagtataka at tila nagulat sa ikinilos ni Rowan. Para kasing ibang tao ito kung kumilos ngayon.
"Anong masamang hangin ang pumasok sa ulo ng nobyo mo para maging mabuting tao ngayon?" Napapantastikuhang tanong ni Maylene sakanya
"Hindi ko rin nga alam. Simula kahapon ganyan na siya kabait. Ngunit kung ano man ang nagpabago sakanya, Ikinatutuwa ko iyon. Mas gwapo siya ngayon diba?" Kinikilig na sambit niya
"Yeah mas gwapo siya ngayon at mas mukhang pormal na tao. Hindi kaya kakambal niya yan? Diba triplets sila?"
Natawa siya sa sinabi ni Maylene.
"Grabe ka naman kay Rowan. Purkit nagbago lang yung tao sa pagiging bad to good person eh ibang tao na agad? Ikaw talaga pinsan oh. Tska yung kakambal ni Rowan nasa Europe daw yun sabi niya sakin. Tapos yung babae namang kambal nila nasa america yata"
Hindi parin maalis ang pagtataka sa mukha ni Maylene
"Ah. Sabagay bakit naman magpapangap yung kakambal niya bilang nobyo mo? Kung ano ano tuloy naiisip ko dahil nakakabigla ang pagbabago ng nobyo mong red flag. Anyway mas okay siya ngayon ha? Ipagpatuloy niya yan para magkasundo kami."
Sabay silang tumawa ni Maylene
"Excited na akong mag-uwian baka ilibre ulit ako ni Rowan ng dinner."
"Hindi ka man lang nagbalot kagabi?"
"Nasa ref baka naubos na iyon nila Gladys" Tukoy niya sa ibang ka-boardmates nila sa kanilang boarding house
"Hay naku sana tinabi mo ang para sakin"
"Hayaan mo mamaya ipagbabalot kita kung sakaling ilibre ako ulit ni Rowan"
"Ayos yan. Basta huwag kang magpapahalik ulit dahil baka maadik ka na sa halik ng nobyo mo"
Nakagat nalang niya ang kanyang labi dahil duda siyang hindi siya magpapahalik muli kay Rowan
Nanuod pa nga siya sa youtube kung paano ba humalik dahil pakiramdam niya mali ang paraan na ginawa niyang paghalik kay Rowan kagabi . Para siyang robot na hinahalikan nito kagabi. Nahihiya tuloy siya.
Sa susunod ay babawi nalang siya sa nobyo niya. Sa tingin niya naman ay naunawaan nitong wala pa siyang karanasan sa pakikipaghalikan