Chapter 6

2379 Words
Chapter 6 "Nagawa mo ba ang pinagagawa ko sayo? Sinundo mo ba kagabi si Angela" Pinigilan mainis ni Rohan sa kanyang kapatid nang tumawag ito sakanya nang hapon na iyon. He don't understand his twin brother. Bakit pa ba nito tinatanong si Angela? Hindi ba't nagpapakasaya na nga ito sa babae nito? "Yeah" Maiksing sagot niya bago niya niluwangan ang pagkakabuhol ng neck tie. Para kasing hindi siya makahinga ng maayos nang mabasa niya sa screen ng kanyang cellphone ang pangalan ng kanyang kapatid. Hindi niya inaasahan na tatawagan siya nito "Good. Nakahalata ba siya?" "No." "Mabuti naman. Salamat Rohan." "Why do care? Ibang babae naman ang kasama mo last night right?" Lalo siyang nainis ng tumawa pa ang kapatid niya sa kabilang linya. "Yeah yeah. Sorry about last night wrong timing ang pagtawag mo kagabi nasa kalagitnaan kami ng romansa--" "Stop. It's very disgusting" Napapaigting ang kanyang panga dahil tila proud na proud pa ang kapatid niya sa pangbababae nito. Samantalang mahal na mahal ito ng nobya nito. Kitang kita niya kagabi ang lungkot sa mga mata ni Angela ng dahil sa kapatid niya. Ano bang nagustuhan nito kay Rowan? Bukod sa gwapo ang kapatid niya ay wala ng magandang katangian ito. Sa totoo lang ay palagi itong nasasabihan ng kanilang mommy. Dissapointed rin madalas ang daddy nila sa mga ginagawa ni Rowan sa buhay nito Tumawa si Rowan "Anyway. Did you already tell her that i want to end our relationship?" Napakunot ang kanyang nuo "Yes. Nakipaghiwalay nako sakanya. Nagawa ko na ang inuutos mo-" "What?! Bakit mo naman binigla ang baby ko--" "Akala ko ba gusto mo na siyang hiwalayan?" Hindi niya maitago ang inis sa kanyang boses. Isang beses palang kasi niya nakikilala ang nobya nito ay iba na ang naging epekto sakanya ng dalaga. He wanted her for himself. Gusto niya itong mapasakanya. Palagay niya kasi ay mas maalagaan niya ito kaysa sa pagbabalewala ng kapatid niya sa isang katulad nito. Kung sakaling siya ang unang nakakilala kay Angela ay paniguradong makikipaglapit parin siya sa dalaga. Nagkataon lang na naunahan siya ng kanyang kapatid. "Yeah. Pero diba sabi ko sayo dahan dahanin mo lang dahil baka mabigla si Angela?" "Don't worry. Ayos lang naman siya. Mukhang tangap naman niya ang naging break up niyo" Pagsisinungaling niya. He hated lying but he felt right doing this. Pakiramdam niya mapoprotektahan niya si Angela sa lalakeng katulad ng kapatid niya Tumahimik si Rowan sa kabilang linya "I-Impossible. Mahal na mahal ako ni Angela kaya--" "Rowan can you get my towel?" Tinig ng isang babae sa background ni Rowan. Mukhang kasama parin nito ang babae nito Mas lalo lamang siyang nagagalit sa kanyang kapatid. "I have something important things to do. Kung wala ka ng matinong sasabihin sakin i need to hang-up" Hindi na niya hinintay pang sumagot ang kapatid niya. Muntik pa niyang mabato muli ang kanyang cellphone. Bagong bago pa naman ang cellphone niya dahil naibato niya ang cellphone ni Rowan kagabi. Mabuti na lang at nagagamit niya pa ang simcard nito upang ma-contact ang dalaga. Buong araw siyang hindi makapag-focus sa kanyang trabaho. Paulit ulit kasing naglalaro sa kanyang imahinasyon ang malambot na labi ni Angela. Kung alam lang siguro ng kapatid niya kung gaano katamis at kasarap ang mga labi ng nobya nito ay paniguradong hindi nito hihiwalayan ang dalaga at ipagpapalit sa iba. She's like a diamond. She is one in a million. Ngayon lamang nakakilala si Rohan ng kasing ganda nito. Marami na siyang nakilalang magagandang babae sa buhay niya ngunit kakaiba ang kagandahang taglay ni Angela He wonder why his brother gave her up. Kung siya si Rowan ay hinding hindi niya isusuko ang babaeng katulad nito. Ipaglalaban niya ito. Napahilot siya sa kanyang sintido. Ngayon palang ay nasisigurado niyang mahirap at maraming pagsubok ang magiging love life niya kung si Angela ang babaeng nais niyang maging nobya. Sa ngayon ay magpapangap nalang muna siya bilang si Rowan at hahanap nalang siya ng tamang oras at tiyempo upang sabihin ang totoo. Matagal tagal rin siyang walang nobya dahil naging busy siya sa kanyang mga negosyo. Sa totoo lang ay wala talaga siyang oras sa pakikipag relasyon ngayon ngunit tila hindi niya kayang palagpasin ang isang katulad ni Angela Minsan lang siya makakilala ng isang katulad nito kaya't hindi niya ito hahayaan pang mawala sakanya Kinagabihan ay sinundo niya itong muli sa bakeshop na pinagtatrabahuhan nito. Maaga siyang umuwi mula sa kanyang opisina para lamang mag-quick shower pa sa kanyang condo unit. Nais niya kasing maging presentable sa mata ng dalaga. "Nakakapanibago ka.." Nilingon niya si Angela habang nagmamaneho siya. Alam niyang kanina pa ito nakatitig sakanya simula ng magbiyahe sila papunta sa isang restaurant. Nais niya kasi itong makasama mag hapunan muli. "Why?" Hindi niya ipinahalatang kinabahan siya ng kaunti sa sinabi nito. Nahalata na ba nitong hindi siya si Rowan? Ngumiti ito na para bang nahihiya sakanya "Nakakapanibago lang kasi ang mga ginagawa mo ngayon. Katulad nalang ngayon, Nais mong kumain ng dinner kasama ako. Dalawang taon tayong magkasintahan pero isang beses sa isang buwan mo lang ako ilabas. Paminsan pa nga doon lang sa mga karinderya malapit sa boarding house. Pero ngayon kakain nanaman tayo sa restaurant?" I can't believe this. Napaka-kuripot talaga ni Rowan. Pati ba naman ang gf niya tinitipid pa. tss "Huwag kana manibago. Bumabawi lang ako sayo. I just want to change for the better. I want to be a better boyfriend for you" Hindi na ito sumagot ngunit sapalagay niya ay natuwa ito base sa pagngiti nito ng palihim sakanya. Napangiti rin tuloy siya ng kaunti dahil napasulyap siya sa labi nito. Kanina pa siya natutuksong halikan ito simula ng sunduin niya ito mula sa trabaho nito. Ngunit siyempre ay nagpipigil lamang siya. Ayaw niyang isipin nito na inaabuso niya ang pagpayag nito. Hihintayin nalang muna niyang ito na mismo ang humalik sakanya. Nang makarating sila sa isang japanese restaurant ay namangha itong muli. Ngunit sa pagkakataon na iyon ay hindi na ito nag-alangan pumasok sa loob ng restaurant hindi katulad kahapon "Wow tayo ang magluluto ng pag-kain natin?" Inosenteng tanong nito habang nakatingin sa kanilang lamesa. Mayroong lutuan sa gitna ng kanilang lamesa. Ngayon lang siguro ito nakapasok sa isang japanese restaurant base sa pagkakamangha nito Natutuwa siyang pagmasdan ang magandang mukha ni Angela lalo na sa tuwing ngumingiti ito. Magaganda at mapuputi ang mga ngipin nito na mas lalo pang nakadagdag sa kagandahang taglay nito Nagsimula na silang kumain, masagana parin itong kumakain katulad kahapon, nagtataka na talaga siya kung bakit maganda parin ang hubog ng katawan nito kahit pa ganito ito kalakas kumain. She's extra ordinary girl. Most women he dated before dont want to eat too much in front of him. Nag-papa-impress ang mga ito at nagpapacute lamang sakanya. Ang iba pa sa mga ito ay may mga sinusunod na diet plans kaya nahihirapan rin siyang mag-isip kung ano ang ipapakain niya sa mga ex-girlfriends niya noon Samantalang ang babaeng ito ay hindi man lang alintana kung punong puno na ng pagkain ang bibig nito. Panay parin ang pag-subo nito ng sunod sunod at halos hindi na nga siya nito pansinin habang kumakain sila Napapangiti nalang tuloy siya habang kumakain silang dalawa. Napainom tuloy ito ng tubig ng makita nitong pinagmamasdan niya itong kumain Para bang nahiya tuloy ito sakanya "Pasensya kana baby kung ang lakas kong kumain. Ang sasarap naman kasi ng mga pinapakain mo sakin. Ngayon ko lang natikman ang mga ito" Halos nakangiwi nitong paliwanag sakanya "It's okay. Nagpapalipas ka yata ng gutom eh" Nilagyan niya pa ng bacon ang pingan nito gamit ang kanyang chopsticks. "Hindi naman. Malakas lang talaga akong kumain." Napangiti siya dahil aminado naman ito "I said it's okay. Mas gusto ko nga na kumakain ka ng marami kaysa naman masayang--" "Hmm sabi mo sakin dati huwag akong kakain ng marami dahil ayaw mo sa matabang babae" Napapalabi nitong sabi sakanya na wari bang nagtatampo Saglit siyang napaisip. Panay ka talaga kalokohan Rowan. Pati ba naman pagkain ni Angela pipigilan mo pa. Tss --- Naiinis niyang sambit sa kanyang isip Naiinis kasi siya sa kakambal niya. Pati pala ang pagkain ng dalaga ay kinokontrol pa nito. Iyon siguro marahil ang dahilan kung bakit hindi nito dinadala sa mga restaurant si Angela "Noon iyon. Iba na ako ngayon. Gusto ko kumain ka hangat kaya mo basta siguraduhin mo lang na healthy ka parin dahil lahat ng sobra nakakasama sa katawan" Mahabang litanya niya na ikinatulala nito sakanya Napainom tuloy siya ng tubig dahil nakaramdam siya ng inis sa kanyang kapatid. Wala ba talaga itong matinong ginawa bilang nobyo ni Angela? Ito pa ang may gana mangbabae at makipaghiwalay samantalang napaka-toxic nitong boyfriend "G-Grabe parang gusto ko na maniwala kay Maylene na hindi ikaw yan Rowan." Naibuga niya tuloy ang tubig mula sa kanyang bibig dahil sa sinabi ni Angela. Agad niyang pinunasan ang kanyang nabasang damit "Ayos ka lang baby?" Nag-aalalang tanong ni Angela sakanya bago siya nito inabutan ng maraming tissue paper "T-Thanks. A-Ano ba naman kasi ang sinasabi mo?" Kinakabahan at natataranta niyang tanong "Si Maylene kasi sobrang nagtataka siya sayo. Bakit raw bigla kang gumwapo ng husto at naging mabait. Iniisip niyang baka ikaw daw ang kakambal mo--" Muli siyang nasamid sa sarili niyang laway dahil sa pagkagulat sa mga sinasabi ni Angela. Tumayo tuloy ito upang lumapit sakanya. Hinagod nito ang likuran niya "Ayos ka lang baby?" Tanong ni Angela habang hinahagod nito ang likuran niya Binigyan siya nito ng tubig at ininom niya agad iyon "I-I'm fine" Sagot niya ng mahimasmasan siya sa pagkagulat sa mga sinabi nito "Sure ka ba?" "Y-Yeah. Nasamid lang ako. Bumalik kana sa pwesto mo" Bumalik naman ito sa pwesto nito ng masigurado nitong ayos lang siya Napakabilis ng t***k ng kanyang puso. Paano kung makahalata na talaga ito "I-I'm not my twin brother." Ngumiti si Angela "Siyempre naman. Alam ko naman iyon baby eh. Natutuwa lang si Maylene sa mga pagbabago mo. Nahihiwagaan daw siya sayo. Pero sinabi ko naman sakanya na impossible ang sinasabi niya dahil nasa Europe ang kapatid mo diba?" Napalunok siya "Yeah. Do you know him?" "Ha? Oo diba ipinakita mo sakin ang litrato niyong tatlong magkakapatid? Magkakamukha nga kayong tatlo eh pero para sakin mas gwapo ka sa kapatid mong lalake" Nakangiting sabi ni Angela Ikinakunot iyon ng kanyang nuo. Para siyang nainis sa sinabi nito. Mas gwapo kaya siya! "Mas gwapo si Rohan" "Ang kulit. Sinabi ko na ngang mas gwapo ka baby" Nakangiti parin nitong sambit sakanya. Akala siguro nito ay kikiligin siya. "Enough." Nagseselos niyang pag-papatahimik dito Naiinis kasi siya dahil pinagseselosan niya ang kakambal niya. Bulag ba si Angela para hindi makitang mas di hamak namang gwapo siya kay Rowan? "Bakit ka nagagalit baby?" Nagtataka tuloy nitong tanong "I-I'm not. Mas gwapo kasi sakin si Rohan mas marami pang achievement and marami rin siyang properties--" "Hindi ah. Para sakin mas gwapo ka Rowan. Atsaka hindi mo naman kailangan ng maraming achievements and properties agad agad eh. Magsumikap ka lang makamit paunti unti ang mga dreams mo panigurado magkakaroon ka rin ng achievements and properties" Napa-igting ang kanyang panga sa sinabi ni Angela. Hindi naman siya kumibo dahil tila gustong gusto talaga nito ang kapatid niya "Ano namang tingin mo sa kakambal ko?" Maya maya tanong niya habang nasa biyahe na sila pauwi sa boarding house nito "Ha?" "What do you think of Rohan?" Seryosong tanong niya "Hmm. Hindi ko alam. Hindi mo pa naman ako pinapakilala sakanya eh." Nilingon niya ito "Do you want to know him?" Tila nag isip ito "Huwag na muna nakakahiya naman eh. Tska nasa Europe siya diba? Hindi rin naman ako nagmamadali makilala ang pamilya mo dahil nahihiya ako" "Kapag nakilala mo si Rohan baka ipagpalit mo agad ako dahil mas gwapo yun" Parang bata niya paring sabi kay Angela na pilit niyang ipinagpipilitan ang sarili sa dalaga "Nako hindi mangyayari yan!" Napa-preno tuloy siya ng wala sa oras. "Ay kalabaw!" Napatili ito. Mabuti nalang at nakasuot ito ng seat belt. "M-May tumawid bigla eh. Ayos ka lang?" Palusot niya. Ngunit ang totoo ay naiinis siya sa mga sinasagot ni Angela "Kinabahan ako dun baby. Akala ko nadisgrasya na tayo" Napahawak ito sa bandang dibdib nito Tuluyan ng nawala ang magandang mood niya. Nagseselos kasi siya sa mga isinasagot ni Angela sakanya Nang makarating sila sa tapat ng boarding house nito ay hindi na siya nag-abalang bumaba pa ng kanyang kotse "B-Baby may nasabi ba akong hindi mo nagustuhan? B-Bakit parang galit ka sakin?" Tinignan niya ito. Nakonsenya naman tuloy siya. Bakit niya ba inaasahan na sasabihin nitong gwapo siya bilang si Rohan e hindi naman siya nito nakikilala pa "Sorry. Medyo napagod lang ako sa trabaho ko" Paghingi niya ng paumanhin sa dalaga bago niya hinawakan ang isang kamay nito "S-Sigurado ka ba?" Tumango siya at hinalikan niya ang likod ng palad ng isang kamay nito. Saglit itong natigilan at para bang nakiliti ito sakanyang ginawa "Good night Angela. See you tomorrow--" "Pero weekends bukas. Hindi naman tayo nagkikita tuwing weekends diba--" "Not anymore. Araw araw na tayong magkikita simula ngayon" Napanganga ito sa kanyang sinabi. "Ibig sabihin sasama ka sakin sa bulacan?" Nasasabik nitong tanong sakanya "Y-Yeah?" Clueless niyang pagsang-ayon kahit hindi naman niya alam kung bakit ito pumupunta sa bulacan tuwing weekends "Naku mapapakilala na rin kita sa wakas sa pamilya ko! Salamat baby!" Agad siyang niyakap ni Angela at mangiyakngiyak pa nga ito "D-Dati ba ayokong pumunta sainyo?" Alanganing tanong niya "Oo dahil sabi mo hindi ka pa handang magpakilala sa pamilya ko" "Oh. I see. Don't worry sasama nako sayo ngayon" Lalong humigpit ang yakap nito sakanya. Nakuntento na siya sa simpleng pagyakap nito sakanya Kinabukasan ay maaga niya itong sinundo sa boarding house nito. Kasama pala nila ang pinsan nitong si Maylene pauwi ng bulacan. Tuwing weekends rin pala ay umuuwi ito sa pamilya nito "Himala yata at pumayag kanang sumama samin?" Usisa pa nito sakanya. Naweweirdohan na nga siya kay Maylene dahil kanina pa ito nakatitig sakanya Hindi nalang niya pinansin ang pinsan ni Angela. Ang mahalaga ngayon ay kasama niya ang babaeng nakakuha ng interest niya. Nakakaramdam rin siya ng pananabik na makilala pa ng husto si Angela. Panigurado mas makikilala niya ito ng lubusan kapag nakilala niya ang pamilya nito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD