After five months: "BRAADD!" Napaso yung dila ko sa kape ng dahil sa pagsigaw ni Lizzie. Natataranta akong nagpunta sa kwarto. "Mahal! Bakit?! Manganganak ka na ba?!" Kinuha ko agad yung maletang inihanda namin last week. Kabuwanan na kase ni Lizzie ngayon at any time manganganak na siya. "Ah.. hindi mahal, makati lang yung likod ko. Pakikamot naman. Pleaseee" Sabi niya with matching puppy eyes pa. "Hay! kinabahan ako! Akala ko manganganak ka na eh." Naupo ako sa likuran niya at kinamot yung likod niya. "Kung kase pumayag ka ng sa Ospital nalang tayo para hindi ka naaaning ng ganyan, edi walang problema." Sumimangot ako sa sinabi niya. Labag na nga sa loob kong Lalaki ang OB-GYNE na napili niya eh, Abah! gusto pa atang tumambay ng babaeng to sa ospital? "Ayoko nga! Hindi bale ng mata