LIZZIE "Babe ready ka na?" Tumango ako saka ako lumakad papunta kay Daddy. Inayos ko yung salamin ko. Ngayon ang huling araw ng lamay niya. Mamaya na yung schedule ng cremation niya. "Daddy natawagan mo na ba yung pamilya niya?" "Yes Babe.. Pero wala na daw silang pakialam sa kanya." I shrug my shoulder. "Napatawad mo na ba siya Babe?" I look at him. "Oo naman Dad." Actually kami na yung umayos sa libing ni Walter. Oh diba? sabi ko naman mabait ako eh. Maldita lang ako pero hindi ako masamang tao. Five days na mula nung nangyari yun. Dead on arrival si Walter sa Ospital habang si Diane nasa ospital pa. Kinailangan ng ilabas yung baby niya kundi manganganib yung buhay nilang dalawa. Premature yung baby niya kaya nasa incubator siya. Sabi nila, sinalag daw ni Diane yung ilang bala n