THIRTY-FOUR: "I love you more than you think I do..." (Serenity's POV) "Nandito ulit tayo, nasasaktan ka pa rin ba?" Marahang tanong ni Joseph habang naglalakad kaming dalawa at magkahawak kamay. Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Banayad na ngumiti ako saka umiling. "Wala nang dahilan para masaktan ulit ako." Banayad din ang naging pagguhit ng ngiti sa kanyang labi saka hinalikan ako sa noo. Kapwa kami maligaya nang nagpatuloy sa paglalakad habang hindi pa rin nagkakahiwalay ang mga kamay na mahigpit na magkahawak. Narito kami ngayon sa Plaza Park. Bumalik kaming dalawa at sa pagbabalik kong ito na kasama siya, natitiyak ko na. Wala na ang lahat ng sakit, ng hinanakit at pagdaramdam. Nararamdaman kong buong-buo na ulit ang puso ko dahil kahawak kamay ko

