THIRTY-THREE: "Sensually." AN: This chapter contains scenes that are not suitable for young readers. Strong Parental Guidance is advised. ----- (Serenity's POV) Nakarating ako sa katabing uguyan ng bata at naupo roon. "Nag-e-enjoy ka ba rito, 'nak?" Tanong ko. "Oo naman po, mommy!" Sagot nito habang walang humpay sa pag-uugoy. Tiningnan ko si Joseph na naroon pa rin at nakatayo sa kinaroroonan niya nang iniwan ko. Malungkot na nakatulala sa akin na para bang iniisip niyang maagi kung anong kasalanan niya at bigla na naman akong naging malamig. I smirked. Really? Hindi niya alam? Hindi niya maalala? Dinala lang naman niya ako sa lugar kung saan bumalik lahat sa akin ang sakit dahil sa panloloko at pagpapaasang ginawa niya sa akin noon! "Daddy, come here! Iugoy n'yo po kami ni m

