THIRTY-TWO: "Don't leave. Come in." (Joseph's POV) I held her hand. "Serenity.. " I started. Tila hindi niya ako naririnig at nakaiwas pa rin ng tingin. "I was badly drunk that night. It's my fault, uminom-inom pa kasi ako and I'm really sorry. Nagpahatid ako kay Chantal sa penthouse dahil hindi ko na kayang mag-drive sa sobrang kalasingan. I slept there the whole night, alone." Paliwanag ko. Hindi pa rin niya ako pinansin kaya nagpatuloy ako. "Umuwi ako kinaumagahan at naabutan ko sa kwartong tulog na tulog ka. Sobrang nakonsensya at nahihiya ako dahil napaghintay kita ng buong magdamag kaya hindi na rin kita inabala pang gisingin. Umalis kaagad ako at 'ni hindi ko na nagawa ang everyday routine kong ipagluto kayo ni Gabby ng agahan dahil wala talaga akong mukha

