TUMINGIN muna si Zach kay Giezl bilang paalam saka niyakag si Travis sa may lobby. May upuan doon pero kita pa rin ng entrance. Medyo nakalayo na sina kina Giezl at mukhang abala naman na ang mga ito ngunit nang muling lingunin si Giezl ay nakilala ang lalaking nasa harap nito. Si Tristan habang nakangiting nakikipag-usap kay Giezl. Base sa ekspresyon ng dalawa ay tila magkakilala ang mga ito at magiliw na kinakausap ng kasintahan. Palakad na siya pabalik. "Oh saan ka pupun—." Tigil ni Travis ng makitang pabalik siya kina Giezl at tiyak na nakilala niya ang lalaking nasa harap ng kasintahan nito. "Mukhang masaya ang pinag-uusapan niyo ah.." turan na hindi pa siya napansin ng mga itong lumapit siya. "Good to see you dude! Oh yeah, akalain mo. Nakilala ako nitong—." Putol niya ng may mag