"I LOVE YOU.." bulong ni Zach sa kaniya matapos ng masuyong halik nito. "I love you more.." sambit rito habang pinapahid nito ang kaniyang luha. Isang matamis na ngiti binigay sa bawat isa saka siya nito nilahad ang kamay upang hilain siya patayo sa kinauupuan nila. Hudyat na iyon para ihatid siya nito. Batid nilang pareho silanv pagod at bukas ay mas lalong magiging abala sila lalo na at pagkatapos ng shift niya ay may Christmas party sila. Marami silang nadadaanan na kagaya nila pero tila wala silanv nakikita. Masaya silang magkahawak kamay at binabaybay ang daan pabalik sa hotel upang sumakay sa dyip. Alam na alam na ni Zach ang kalakaran sa pampublikong transportasyon. Dahil walang bakante sa loob at sa tabi ng drayber lang meron. Nagsiksikan silang dalawa doon. "Sir, hawakan niyo