KINABUKASAN ay napansin ni Giezl na mas abala ang mga tao. Napapakunot noo pa siya dahil wala pa ang mga kaibigan. Ang dalawang kasamahan ay nasa kabila kaya mag-isa siya sa kinaroroonan. Hindi tuloy maiwasang tignan ang relong pambisig niya. Dapat kasi ay naroroon na sina Felize at Reyn. Mas lalo pang nagtaka dahil nang mag-punch kanina ay naka-punch na ang mga ito. Hanggang sa nakitang paparating ang supervisor nila. Tiyak mapapagalitan ang mga kaibigan kapag nagkataon. "Good to see you here Miss Dela Cruz, kung nagtataka ka kung nasaan ang mga kasamahan mo. Nasa function hall sila, since full na ang hotel natin and if ever na may mag-walk in ay ikaw na ang magsabi na wala tayo available. The hotel was very busy kaya kinailangan ng ilang tao sa itaas para sa preparation ng Christmas pa