Chapter 35 Joeryl's P. O. V Napangiti ako habang pinapanood ang commercial na ginawa ko. It's been months, naging maganda ang simula ng career ko. "Ang hirap makakuha ng slot para sa Binibining Pilipinas!" iritang saad ni Madam Magenta at pabagsak na binaba ang cellphone niya sa table. "Madam, may bago naman tayong commercial, sure win ang money do'n," nakangiti kong sabi. Inirapan ako ni Madam. Nawala ang ngiti sa labi ko. "Tsk, alam mo naman na ang korona talaga ang target natin!" aniya. "Shhh! Don't be stressed, Madam," sabi ko at hinawakan ang balikat niya saka dahan-dahang minasahe. "Masaya naman ako at nakikita ka na sa TV pero ang una kong pangarap sa 'yo ay 'yong korona. You know how much I like to see you wearing a crown." Niyakap ko siya, niyakap niy