Chapter 34 Joeryl's P. O. V Ngayong araw ang pinakanakakakabang araw ng buhay ko. "WELCOME TO YOUTH PAGEANT SHOW! LET'S GIVE OUR SPONSORS A ROUND OF APPLAUSE." Narinig ko ang masigabong palakpakan ng mga tao. Para akong nabibingi dahil sa lakas ng t***k ng puso ko. Ngayon lang ako makikilahok sa ganitong klaseng patimpalak. Kadalasan ay sa mga baranggay lang ako lumalaban pero ito ay isang show ng mayayamang tao. "ERYL!" narinig ko ang boses ni Rence. Hingal na hingal siyang lumapit para ibigay sa akin ang cellphone niya. Kita ko ang dalawa kong anak na ka-videocall niya. "Kambal ko!" naiiyak kong sambit. "Ang hirap dito, nawawalan ng signal," reklamo ni Rence. "Miss ko na kayo!" sabi ko. Isang linggo nang wala ang kambal sa bahay pero hinahayaan ko na