Chapter 33 Joeryl's P. O. V Umuwi akong malungkot. Hindi ko sinagot ang tanong ni Madam Magenta. Hindi ko kaya pumili para sa dalawa kong pangarap sa buhay, ginusto ko rin maging ina. Nakatulala lamang ako sa takure at nagising sa reyalidad nang marinig ang pito nito. Agad kong pinatay ang apoy at sinalin ang mainit na tubig sa thermos. "Ate, tulog na 'yong kambal. Kumain na tayo," sabi ni Ela. Tumango ako sa kaniya at pumunta sa hapag kainan. Naglagay na ng mga plato si Ela. Wala si Tita Caroline dahil may emergency daw sa business nila at kailangan niya umalis. "Kaya mo pa ba, ate?" biglang tanong ni Mirela habang nagsasandok ng kanin. "Oo naman!" masigla kong sabi. Umiling-iling siya, "Halata naman sa mukha mong pagod ka na," aniya. Hindi ako nakapagsalita. Totoong pagod na ako