Chapter 40 Joeryl's P. O. V Kinabukasan ay panay ang bahing ko sa tent namin. Uminom na ako ng paracetamol para daw hindi na magtuloy ang sama ng pakiramdam ko. "Namumula ang ilong mo. Lagyan natin ng foundation," ani Madam Magenta at hinawakan ang baba ko. Pumikit ako habang inaayos niya ang make-up ko. "Huwag lang sana ako bumahing kapag nag-rolling na. Patay ako nito," sabi ko. Rinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Madam kaya dumilat ako at tumingin sa kaniya. Kitang-kita ang pagkadismaya sa mga mata niya. "Pasensya ka na. Dahil sa 'kin kaya nagkasakit ka pa. If I knew na magkakaroon ng accident, I wouldn't go out and buy some products that you need," aniya. Ngumiti naman ako. Para ko talagang Nanay si Madam dahil palagi niyang iniintindi ang kalagayan