Chapter 39 Joeryl's P. O. V Dumating kami sa set. Isang lumang bahay na mansion. Sobrang ganda at sobrang laki. May kaniya kaniyang tent ang mga artista samantalang ako ay sa van na lang. Hindi kasi nakapag-ready si Madam. "Scene 1, get ready!" sigaw ng assistant ni Ruzzel. May mga staff ang lumapit sa akin at nagbigay ng damit na susuotin ko. Nagtungo ako sa van at nagbihis. Tinted naman ang bintana kaya okay lang. Nagbabantay lang sa labas ang bodyguard ko at driver. Minake-up-an naman ako ni Madam Magenta. "Okay na, soft make up lang. Kabisado mo na ba ang dialogue mo?" tanong ni Madam sabay abot sa akin ng script. "Opo, kabisado ko na," sambit ko. Halos buong gabi kong pinractice sa harap ng salamin ang tamang emosyon at tamang tono ng boses ko. "Good, tara n