Chapter 38 Joeryl's P. O. V Mabilis akong nagtungo sa labas ng bahay para makita ang nagdo-doorbell. "Ano po 'yon?" tanong ko sa rider na nasa labas ng gate. Lumapit ako at naglabas siya ng bouquet of flower. Napataas naman ang kilay ko. "I didn't ordered anything," sabi ko. "Pero sa inyo po nakapangalan, pinapabigay po ni Robert Sandoval--" Hindi ko na pinatapos si kuya at inangat ko ang kamay ko dahilan para mapahinto siya sa pagsasalita. "Keep that kuya, bigay mo na lang sa girlfriend mo," sabi ko at ngumiti sa kaniya. "Pero--" Umiling ako at tumalikod. Pumasok na ako sa bahay. "Ma'am! Malalagot ako nito!" sigaw pa ni kuya. "Sabihin mo na natanggap ko!" sigaw ko pabalik sa kaniya. Sinarado ko ang pinto at nakita kong bumaba si Papa k