Chapter 27 Joeryl's P. O. V Weeks passed. Nagiging maayos na ang pakiramdam ko. Nakakagalaw na rin ako dito sa bahay at nakakakilos ng maayos. Ang problema lang namin ay kapag umiyak ang kambal. Maaaring may dumaan na kapitbahay at marinig, paniguradong magtataka iyong mga 'yon. "Next school year, papasok ka na hindi ba?" tanong ni Rence. "Oo. Kailangan kong pag-ipunan, kapag totally healed na ako, babalik ako sa salon tapos hahanap pa ako ng iba pang part time job kaso... Mawawalan ako ng oras sa kambal," malungkot kong sabi. Tumingin ako sa kambal na mahimbing ang tulog. Napa-buntong hininga naman ako at kinuha na ang mga bote nila para sana hugasan. "Ako nang bahala diyan. Tapusin mo na 'yong ginagawa mong kwintas," aniya sabay hablot ng mga bote sa kamay ko. "Matu