Chapter 26 Joeryl's P. O. V Hindi ako pumayag na hindi nila ako isasama para hanapin ang kambal ko. Sinakay ako ni Papa sa wheelchair at agad kaming sumakay ng elevator dahil nakita niyang sumakay din doon si Rence. "Ang mga anak ko..." bulong ko habang lumuluha. "Tumahan ka anak, kakapanganak mo pa lang," sabi ni Papa. Pagdating namin sa rooftop ay naroon na ang guard. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Sabeth na hawak ang dalawang bata sa magkabilang bisig niya. Sobra naman ang pag-aalala ko dahil natatakot akong maibagsak niya ang kambal ko. "Sabeth!" sigaw ni Rence. Umiling si Sabeth at humarap sa amin. Nagulat ako nang makita ang mugto niyang mga mata, pulang-pula ang mukha niya dahil sa kakaiyak. "S-sabeth, 'yung kambal ko..." nanghihina kong s